Una sa Balita

Ramirez gold sa World Jiu-Jitsu

0 197

PINAY WERPA!

ITINANGHAL na world champion si Annie Ramirez matapos maka-gold medal sa female purple adult 55kgs. event ng 2019 Abu Dhabi World Professional Jiu-Jitsu Championship Miyerkoles nang gabi sa Mubadala Arena sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Walang pagsidlan ng katuwaan ang 28-anyos na si Ramirez matapos nitong makita na idineklara siyang nagwagi sa pamamagitan ng submission kontra kay Sophia Dalpra ng United States habang tabla ang laban sa 4-all.

“Actually 6am na po dito nga¬yon at kakagising ko lang. Hindi pa din po ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Masaya po sobra kasi matagal ko po pina¬ngarap na makakuha ng ginto sa world championship na palaro,” sabi ng Purple Belt at 2017 ADWPJJ bronze medalist at two-time Asian Beach Games & 5th AIMAG champion na si Ramirez.

Inialay naman agad ni Ramirez, na playing coach sa Academia John Baylon-Clube De Jiu Jitsu Filipinas, ang gintong medalya sa kanyang tinuturuan na mga batang may kapansanan na nagsisilbi nitong inspirasyon.

“I teach jiu-jitsu back home, including to hearing-impaired children. This win is also for them because it can inspire them as well. Next year I want them to compete here,” sabi ni Ramirez, na naghahanda para sa 30th Southeast Asian Games na isasagawa sa bansa sa Nobyembre.

Nakamit din ni Ramirez, na nagwagi ng ginto noong 2015 at 2016 Asian Beach Games sa Thailand at Vietnam pati sa 5th Asian Indoor and Martial Arts Games sa Turkmenistan, ang kabuuang 400 puntos sa torneo sa pagwawagi nito sa kategorya na sinalihan ng walong iba pang bansa. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy