Una sa Balita

Ramirez, Batang Pinoy host nagkasundo

By
0 219

NAKAHANDA ang Philippine Sports Commission (PSC) at mga local government unit na ipormalisa ang kanilang kasunduan para sa 2019 Batang Pinoy hosting ng Davao del Norte, Isabela at Iloilo sa Min­danao, Luzon at Visayas Qualifying legs.

Nakatakdang pirmahan ng PSC ang memorandum-of-agreement sa darating na Biyernes, Enero 11.

Makakasama ni PSC Chairman William Ramirez sa formal signing sina Davao del Norte Governor Antonio del Rosario; City of Ilagan, Isabela Mayor Evelyn Diaz pati sina Iloilo City Mayor Jose Espinosa III at Iloilo Provincial Governor Arthur Defensor, Sr. sa PSC Press Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex, Manila.

“We are sealing this partnership with our host LGUs to ensure mutual cooperation and achieve a successful staging of Batang Pinoy from Mindanao, Visayas and to Luzon,” sabi ni Ramirez.

Isasagawa ngayong taon ng PSC ang natatangi nitong national youth sporting event para sa 15-anyos pababa na Batang Pinoy na sisipa sa u­nang leg sa Mindanao sa Pebrero 2 hanggang 9 sa Tagum City, Davao del Norte, bago magtungo sa Iloilo sa Pebrero 23 hanggang Marso 2 at sa Luzon sa Marso 16 hanggang 23 sa Ilagan, Isabela.