Una sa Balita

Ramirez: 10 NSA handa na sa SEAG

0 191

KABUUANG 10 national sports association pa lamang ang may kumpletong listahan ng mga isasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ang sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Team Pilipinas Chef de Mission William “Butch” Ramirez hinggil sa isinasagawa nitong pakikipagpulong sa kabuuang 56 national sports association na sasa­bak sa kada dalawang taon at nasa ika-30 nitong edisyon na SEA Games.

Optimistiko si Ramirez na agad makasunod ang 47 iba pang NSAs na makapagsumite ng kanilang pinal na listahan bago ang itinakda nitong deadline sa Hul­yo 30 upang agad mai­sagawa ang puspusang paghahanda at pagsasanay ng mga atleta gayundin ang masiguro ang magandang kampan­ya ng pambansang dele­gasyon.

“We have at least 30 to 40 NSAs now in foreign training. We will have a total of 26 meetings before November 30. There are already 10 NSAs that submitted their final listings­ for the SEA Games. Soon, we will know the total list of 1,006 national athletes by July 30,” sabi pa ni Ramirez.

Ito ay matapos siguruhin ni Ramirez na hindi mapo-postpone ang pagsasagawa ng ikaapat na pagho-host ng bansa sa multi sports na kompetisyon na paglalabanan ang kabuuang 57 sports na may 550 events na maglalagay sa Pilipinas sa kasaysayan na naka­pagsagawa ng pinakamalaking edsiyon ng SEA Games.

“The problem of the POC must not be a roadblock to our commitment to the SEA Games and national interest,” sabi ni Ramirez. “Sabi ng Presidente, tuloy ang hosting, national commitment yan. Yung problema ng POC i-solve nila yan. Meanwhile, i-isolate natin ang atleta at ibuhos sa kanila ang suporta.” (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy