Una sa Balita

Rally ng Painters pinigil ni McDaniels

0 277

HINDI nagpapigil ang TNT KaTropa sa pisikal na laro kontra Rain or Shine upang iuwi ang 103-91 panalo kagabi sa unang laro sa eliminasyon ng 2019 PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ilang beses na pinigilan ng KaTropa ang pagnanais ng E-Painters makabalikwas sa laro bago nito tuluyang iuwi ang panalo at mapanatiling malinis ang kartada mula sa krusyal na unsportsmanlike foul ni Rain or Shine import John Wright sa huling 3:50 minuto ng laro.

Pinamunuan ni KJ McDaniels ang KaTropa sa iniuwi nitong 37 puntos, 13 rebounds, 5 assists, 1 steal at 5 blocks habang apat na iba pa ang nagtala ng double figure na sina Troy Rosario, Jayson Castro, RR Pogoy at Don Trollano.

“We have come together as a team. We stick to the plan and we put on our defense to give us the win. We go hard in practice every day, we talked in practice and discuss not to commit mistakes and just keep pushing,” sabi ni McDaniels.

Nagtala si Rosario ng 16 puntos, 9 rebounds, 2 assists at 1 steal habang si Castro ay may 15 puntos, 4 rebounds, 7 assists at 2 steals. May 12 puntos, 1 rebound, 2 steals at 1 block si Pogoy habang si Trollano ay may 12 puntos, 8 rebounds at 3 assists.

Nagpilit na maghabol ang E-Painters sa huling yugto kung saan nakalapit ito sa anim na puntos na lamang sa, 86-92, may 3:50 minuto pa sa laro subalit natawagan ng flagrant foul penalty 1 ang import nito na si Joe Wright matapos nito patirin si Troy Rosario ng KaTropa upang muling mapag-iwanan sa labanan.

Huli naman itinala ng RoS ang apat na puntos lamang sa 3:30 minuto ng unang yugto mula sa isang tres ni Javee Mocon, 18-14. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy