Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Raliyista kontra BBM inagurasyon, bokya sa permit

0 110

Hindi pa rin nagbibigay ng permit ang lokal na pamahalaan ng Maynila upang makapagsagawa ng rally ang mga grupo sa araw ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Kaya ang payo ng pulisya ng Maynila sa mga raliyista, ikansela na umano ang mga kilos-protesta sa Hunyo 30.

Ipinahayag ni Manila Police District spokesperson Maj. Philipp Ines, hindi pahihintulutang mag-rally malapit sa National Museum kung saan magaganap ang panunumpa ni Marcos.

Maaari lamang umano silang magkaroon ng aktibidad sa mga freedom park ng lungsod gaya ng Plaza Miranda, Plaza Dilao, Plaza Moriones, at Liwasang Bonifacio. (AMDJ)

Leave A Reply

Your email address will not be published.