Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Raintree Starlet sinilat si Pangalusian Island

0 133

BAGO nahinto ang operasyon sa karerahan ay nakapagpakitang-gilas pa si Raintree Starlet noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ipinakita ni Raintree Starlet ang bilis nito sa largahan, paglabas ng aparatao ay sinunggaban agad ang unahan at tumuloy-tuloy na ito hanggang sa meta para angkinin ang panalo sa Condition Race Merged (10).

Nirendahan ni jockey JPA Guce, nakapagtala si Rainstree Starlet ng impresibong 1:27.6 minuto sa 1,400-meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Nasa kalagitnaan pa lang ng lababan ay umalagwa na nang malayo si Rainstree Starlet kung saan ay lamang siya ng anim na kabayo sa sumesegundong In The Zoon.

Pagsapit ng huling kurbada ay beripikadong sisikwatin ni Raintree Starlet ang panalo dahil wala pa rin nakadikit sa kanya.

Tinawid ni Raintree Starlet ang meta ng may walong kabayo ang agwat sa nasegundong si former Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island, tersero si Kid Baloloy. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.