Una sa Balita

Rain or Shine pipigilan si Alston, Columbian

0 235

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30pm — Rain or Shine vs. Columbian
6:45pm — Ginebra vs. Alaska

NAUBUSAN ang Rain or Shine 99-94 sa NorthPort sa opening day ng PBA Governors Cup Biyernes ng gabi sa MOA Arena.

Babalik ng Smart Araneta Coliseum ang Elasto Painters ngayon para subukang bumawi laban sa Columbian.

Pero mataas din ang momentum ng Dyip dahil kinubra din ang unang panalo sa season-ending conference 117-110 laban sa Alaska.

“We will play Sunday against Columbian, and we know how good Columbian has been,” ani RoS coach Caloy Garcia. “Their import is probably a good pick up for them kasi ‘yun ang kailangan nila, big man who can play the post.”

Pinatutungkulan ni Garcia si Khapri Alston na pasiklab ng 38 point, 22 rebounds, 4 assists at 3 steals sa kanyang league debut. Mula sa floor ay 12 of 19 si Alston at 14 of 17 mula sa stripe.

“We have to at least come out better, start the game better and get the win, at least to keep up in the standings,” dagdag ni Garcia.

Kontra Batang Pier ay maagang naiwan ang Painters 29-13, nalubog pa ng hanggang 70-46. Naidikit ng Rain or Shine ang iskor 91-87 sa jumper ni Rey Nambatac 2:39 pa, pero sumagot ng 6 unanswered points ang NorthPort tampok ang layup ni Robert Bolick para muling dumistansiya ng 10.

Hindi na nakaporma ang Painters mula roon.

Disente rin namang 22 points at 14 rebounds ang isinumite ni Joel Wright pero apat lang dito sa fourth nang mag-rally ang Rain or Shine. Tumapos ng 19 si Nambatac, nag-deliver ng 15 points si James Yap na 3 for 6 sa labas ng arc. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy