Una sa Balita

Rain or Shine hahanapan ng ‘spark’ si Alexander

By
0 350

Nanganganib mapagsarhan sa playoffs ng PBA Governors Cup ang Rain or Shine, nagdesisyon na pasibatin ni Kayel Locke at tinawag si Kwame Alexander.

Sa 1-5 baraha, nasa 11th spot ang Elasto Painters, sa itaas lang ng Alaska (1-6).

Para makasama sa top eight na aabante sa quarterfinals, kailangang ipanalo ng Painters ang huling natitirang limang laro.

Umpisa mamaya, Miyerkoles, laban sa 2-4 Blackwater sa Cuneta Astrodome.

Inayudahan ni Alexander ang NLEX noong 2015 edition ng parehong torneo.

Dumating na siya sa Maynila nitong nagdaang linggo, nakipag-ensayo na rin sa team nitong Biyernes.

“He has been okay,” ani RoS coach Caloy Garcia. “I think he has already adjusted to the weather and jet lag. Hopefully, he can give us the spark we are looking for.”

‘Di naawat ni Locke ang Painters sa four-game skid. Puna nina Garcia at veteran big man Beau Belga, mukhang nalilito anila ito sa ilalaro – kung wing o big.

Kabisado na rin ni Elite coach Aris Dimaunahan ang kalibre ni Alexander.

“Hopefully, ma-limit namin siya bukas,” aniya. “Malaking problema kasi kapag umiskor heavily ang import ng kabila.”

Si Marqus Blakely ang ipantatapat ng Blackwater. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy