Una sa Balita

Raffy Tulfo pinagkaguluhan sa mall

0 576

Nakita ko si Raffy Tulfo sa Power Plant Mall, Rockwell, Makati City nu’ng Sunday. In fairness, ang daming mga fan ni Raffy.

“Idol” ang tawag kay Raffy ng mga nakakasalubong niya sa nasabing mall.

Ang isang kaibigan ko, nagpa-picture pa kasama ang hard-hitting TV/radio host/commentator.

Pangiti-ngiti lang si Raffy sa mga bumabati sa kanya.

Mother Lily, Azenith nag-instant reunion

Aksidenteng nagkita sina Mother Lily Monteverde at ang isa sa “Temptation Island” stars niya na si Azenith Briones noong Sunday sa Power Plant Mall sa Rockwell, Makati City.

Sabi ni Azenith, nakaka-happy na makita ang producer niya noong active pa siya sa pag-aartista. Sa negosyo na kasi abala ngayon ang dating aktres.

Maxene nagandahan sa ‘Unbreakable’

Nakita ko rin si Ruffa Gutierrez kasama ang mga kaibigang sina Pheomela Barranda, Cristalle Belo at iba pa nang manood ng “Unbreakable” sa Power Plant Mall cinema 2.

Nakasabay nila sa panonood si Maxene Magalona. After the movie, tsinika ako ni Maxene at sinabing nagandahan siya sa “Unbreakable”.

“Tell Chard (Richard Gutierrez), congratulations!” sey ni Maxene.

Bongga!

FAP head Vivian Velez dinedma ang Luna Awards

Si Vivian Velez ang director-general ng Film Academy of the Philippines (FAP) kaya marami ang naghanap sa kanya sa Luna Awards, pero wala nga siya.

Si Liza Diño lang ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) ang nandoon.

Kahapon lang sumagot ang taga-FDCP na tinanong ko kung bakit wala sa Luna Awards si Vivian.

“Hi po good morning, as per Chair’s Office po they were informed by Ms. Vivian ng 6pm that she won’t make it.”

Sana magkaroon ng official statement ang FAP kung bakit hindi nakasipot sa Luna Awards si Vivian.

Direk Perci mabango ulit sa showbiz

Marami na naman ang tsumitsika-tsika kay Direk Perci Intalan after mapabalitang bubuhayin ulit ang entertainment department ng TV5.

Balita kasing si Perci ang maghe-head ulit ng nasabing department ng Kapatid network kahit pa sinasabi niyang consultant lang siya.

There was a time na ‘yung mga dating tsika-tsika kay Perci noong siya pa ang big boss sa TV5 ay deadma na sa kanya nang mag-quit na siya sa post sa TV network ni Mr. Manny V. Pangilinan.

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy