Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Radio Veritas nadale ng scammer

0 85

Pinag-iingat ng Catholic broadcasting station na Radio Veritas ang publiko laban sa mga scammer na ginagamit ang numero ng kanilang himpilan para mamerwisyo.

Ito’y matapos na dagsain ng mga food rider ang kanilang himpilan sa Quezon City para mag-deliver ng mga pagkain na hindi naman nila ini-order sa mga food outlet sa online pero ginamit ang kanilang text­line.

Sinabi ng pamunuan ng Radio Veritas na hindi nila pinapahintulutan ang kanilang mga kawani na gamitin ang pangalan ng institusyon at textline number nito sa personal na pangangailangan.

Natukoy mula sa isang food chain na nag-order sa online ang nanga­ngalang George Calimag gamit ang textline number at address ng Radio Veritas sa Quezon City at email address na thinkingpinoy.1934@aol.com.

Samantala, binalaan din ng Radio Veritas ang publiko, lalo ang mga obispo at pari, laban sa anak ng dati nilang kawani na si Rolando Santoyo na ginagamit umano ang pangalan ng himpilan sa panghihingi ng tulong pinansiyal. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.