Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Radio Bell harurot sa Juvenile 2nd leg

0 81

DUMAAN sa butas ng karayom si Radio Bell bago nasilo ang korona sa 2021 Philracom 2nd Leg Juvenile Stakes Race na inilarga sa San Lazaro Leisure Park nitong Linggo ng hapon.

Pagkakuha ng unahan sa largahan ay agad kinapitan si Radio Bell ng mahigpit nitong karibal na si Gomezian at hanggang sa huling kurba ay nagkapanabayan ang dalawa.

Nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez, umungos ng kalahating kabayo si Radio Bell kay Gomezian sa huling 150 metro ng laban pero malakas na rumeremate si Enigma Uno.

Subalit may lakas pa si Radio Bell at nanalo ito ng may isang kabayo ang agwat sa segundong Enigma Uno sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

“Yun talaga ang plano namin iuna si Radio Bell, tutal nasa tabing balya naman kami,” saad ni star jockey Hernandez.

Ayon sa mga kareristang nakasaksi sa karerahan, nasa dugo ni Radio Bell ang ang tikas ng kanyang mga magulang na sina Sakima at Radioactive Love.

Nilista ni Radio Bell ang 1:35.4 oras sa 1,500-meter race sapat upang ibulsa ni horse owner Elmer De Leon ng Bell Racing Stable ang P600,000 premyo, napunta ang P225,000 sa owner ni Enigma Uno habang P125,000 at P50,000 sa third at fourth placers na sina Gomezian at Ballet Champion. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.