Una sa Balita

Radio anchor tinodas ng tandem

0 211

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa tukoy na riding-in-tandem ang isang radio commentator habang nakasakay ito sa kanyang kotse, kamakalawa nang gabi sa Kidapawan City, North Cotabato.

Agad binawian ang biktimang si Eduardo Sanchez Dizon, beteranong broadcast journalist ng Brigada News FM ng nasabing lalawigan, nang magtamo ito ng limang tama ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang ba-hagi ng katawan.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-10:25 nang gabi sa national highway ng Quezon Blvd. kanto ng Diversion Road at Sinsuat St. habang lulan ang biktima sa kanyang Mitsubishi Mirage G4.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng pamamaslang gayundin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Samantala ipinag-utos naman ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde kay Rasco ang mabilisang imbestigasyon hinggil sa naganap na pagpatay kay Dizon.

Ipinaabot din ng opisyal ang kanyang pakikiramay sa pagkawala ng isang kasamahan sa pamamahayag.

Sa pahayag naman ng nasabing istasyon, sinabi nitong posibleng dahilan ng pagpatay sa mamamahayag ay ang mga naging expose nito hinggil sa mga indibidwal at organisasyon na konektado sa mga iligal na aktibidad. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy