Una sa Balita

Racraquin ng SBC niratrat ang SSC

By
0 1,536

Kumayod ng triple-double si Aurea Fran­cesca Racraquin upang itaguyod ang San Beda College sa panalo kontra last year’s runner-up San Sebastian College Recoletos, 25-14, 25-22, 22-25, 25-18, kahapon sa 93rd NCAA women’s indoor volleyball tournament sa FilOil Arena sa San Juan City.

Nangalabaw si ­po­wer-spiking Racraquin ng 20 points kasama ang 17 off attacks, 19 digs at 13 receptions upang isampa ang Lady Red Spikers sa semi­finals sa 7-1 karta.

Bukod sa San Beda, swak na rin sa Final Four ang defending champion Arellano University.

Bibitbitin din ng Lady Red Spikers at ng Lady Chiefs ang twice-to-beat advantage sa semis.

Muling nagpakitang-gilas si Racraquin kaya maugong ang kanyang pangalan para sa Most Valuable Player.

“She’s (Racraquin) the leader of this team, she’s our MVP,” saad ni San Beda coach Neme­sio Gavino, Jr.
Kinalos naman ng University of Perpetual Help System Dalta ang Mapua University, 25-18, 25-23, 25-12, para ilista ang 5-2 record.

Kailangan ng Lady Altas na walisin ang natitirang dalawang laro upang makahirit ng laro sa susunod na phase.

Makakalaban muna ng Perpetual ang Letran College sa Biyernes habang sa Martes ang College of St. Benilde.

Natuldukan ang four-game winning streak ng Lady Stags kaya nalaglag sila sa No. 4 tangan ang 5-3 slate.