Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rachelle natakot sa pagpapadede kay Lukas

0 93

Bilang new mommy, ang dami na raw nadi-discover si Rachelle Ann Go. Sa first three days pa lang daw ng kanyang pagiging mommy, sunud-sunod ang kanyang mga na-experience.

Kabilang sa mga karanasan niya ay ang hindi siya nakatulog dahil sa pag-alaga at pagpalit ng lampin ni Baby Lukas Judah.

“I stared at the window blankly because of zero sleep. I cried because of my hormones, especially when Lukas was choking!” say ni Rachelle.

Nakaramdam naman ng takot si Rachelle noong i-breastfeed niya si Baby Lukas ay nagbago raw ang kulay ng balat nito.

SM food to go Banner Ad

“I started breastfeeding him but because his glucose level at that time was really low, they had to give him formula milk. He choked while I was feeding him and turned blue. I panicked and started crying! I was like ‘Lord, how? I need help!!!’”

Na-realize ni Rachelle na hindi biro ang maging isang ina. Kaya kailangan niya ng tulong mula sa mga taong may experience na sa mga babies.

“I had a tough time but I learned so much in the span of 3 days. I’m so grateful I went through it and figured things out myself. We are made to do this. Do not doubt nor fear.”

Unti-unti na raw nararamdaman ni Rachelle ang pag-kick-in ng motherly instincts niya. Kaya alam niyang magiging okey ang lahat para sa baby nila ng kanyang mister na si Martin Spies. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.