Una sa Balita

Rachelle Ann nakabili na ng bahay sa London

0 375

Sosyal ka gurl, ha!

Puwede na palang hindi umuwi sa Pilipinas si Rachelle Ann Go, dahil may sariling bahay na ito sa London kung saan kasama niya nga ang kanyang mister na si Martin Spies.

Natupad na nga ang dream ni Rachelle na maging isang certified na misis sa kanyang mister dahil sa pagkakaroon ng sarili nilang bahay sa London.

“Sobrang pangarap ko talaga kasi na magkaroon ng bahay na sarili… sariling bahay namin sa London. Matagal ko nang pinagpe-pray,” sabi ni Rachelle.

Two bedroom na may magandang garden ang bahay ng mag-asawang Spies. Simple lang daw ito pero perfect para kina Rachelle at Martin.

“Meron ding garden eh ‘yung asawa ko he’s South African and he loves to grill so I showed him the house and sabi niya that’s the one,” kuwento pa ni Rachelle.

Tuloy-tuloy nga ang career ni Rachelle sa West End London. Malapit na raw matapos ang musical na “Hamilton” at sunod naman daw na lalabasan ni Rachelle ay ang musical na “Les Miserables” sa March 2020. Gagampanan dito ni Rachelle ang role na Fantine.

Nasa bansa ngayon si Rachelle dahil paghahandaan niya ang kanyang homecoming Valentines’ Day concert. Susunod daw ang mister niya sa Pilipinas para panoorin siya for the first time na magku-concert at hindi sa isang musical. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More