Una sa Balita

Rachelle Ann, ‘feeling Queen’ sa dyowang foreigner!

By
0 1

Nahanap na nga ng ­Broadway star na si Rachelle Ann Go ang pangarap niyang lalake, na bukod sa pagiging matiyaga ay malaki pa ang pananalig sa Diyos.

Pinuri ni Rachelle Ann ang pinaniniwalaan ng kanyang mga followers na boyfriend nito sa ­kanyang Instagram post.

Nag-post si Rachelle Ann ng larawan ng isang lalakeng nakatalikod ­habang makikita sa background ang pila ng mga papasok sa isang play.

Bitbit ng lalake ang malaking bag at nakatayo ito na tila may hinihintay. Isinilarawan ni Rachelle Ann ang mga katangian ng lalake sa kanyang post.

“Look for a man who will not just patiently wait for you after work, carry your bag ‘coz he knows you’re tired, treat you like a queen, make laugh constantly but also who puts God first and pray for/with you.

If he loves God first he will also honor & respect you all days of your life. #GodlyMan,” sabi ni Rachelle Ann.

Hindi pinangalanan ni Rachelle Ann ang naka­talikod na lalake pero sinasabing ito ang ­foreigner na nai-post na niya sa ilang mga special moments niya noon.

Noong una pa lang sa mga comments sa IG posts ni Rachelle Ann, pinangalanan na ng ilan sa kanyang mga followers ang guy, na Martin Spies nga raw, isang business executive na naka-base sa New York.

Isa sa mga kinilig sa latest post ni Rachelle Ann ay ang Kapuso actress na si Carla Abellana.