Una sa Balita

Rachel type maging TV host

By
0 31

Ano na nga ba ang plano ni Rachel Peters kapag nakauwi na siya sa Pilipinas at habang tinatapos pa rin niya ang kanyang reign bilang Bb. Pilipinas-Universe 2017?

Without a doubt my greatest achievement to date!! ✨To be the 66th Filipina to stand on the Miss Universe stage with the most beautiful girls in the world, and to represent the most amazing country- Ang mahal kong Pilipinas! 🇵🇭 Thank you so much to everyone who was part of this journey, i am SO lucky to have every single one of you in my life. Never in my wildest dreams did I ever imagine I would be brave enough to do something like this, but you all are the reason I got to where I am. I'm still so overwhelmed by all the love ❤️ I promise I gave my all but I've always been a believer in fate, destiny and God's perfect timing so I'm thankful for the opportunity and the memories, but I am so looking forward to seeing what God has in store for me, and to come home to the Philippines. First thing on the agenda-Sinigang!!! 😍

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

Ayon sa tsika­, gusto ng Filipino-­British na su­mabak sa TV hosting.­

Ito raw ang priority career niya na sa tingin ng lahat ay may K naman siya dahil maganda ang kanyang speaking­ voice, magaling ang diction at may personalidad.

Gusto rin daw muna nitong magpahinga dahil sa sobrang pressure na kanyang pinagdaanan lalo na at halos everyday ang activities nila sa Las Vegas in preparation nga sa Miss Universe.

Naku, mukhang matatagalan pa yata na maging Mrs. Migz Villafuerte na all-support talaga sa kanya sa journey niya bilang isang beauty queen.

Halata pa naman ang sobrang sweetness nito sa kanya na parang laging nanggigigil kahit matagal na rin ang kanilang rela­syon, huh!

Anyway, maraming Bicolano ang nanggigigil­ din sa mga negang komento sa  hindi nito pagkakauwi ng korona. Kuntodo tanggol talaga sila kay Rachel na isa rin ngang oragon.

Ginawa naman ni Rachel ang puwede niyang gawin, ‘yun nga lang, hindi ‘yun sapat para kabugin niya ang kaapelyido­ niyang taga-South Africa­, huh!

Ganun talaga ang buhay, you win some, you lose some. Korek!