Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rachel napagkamalang si Leni

0 151

Umani ng sari-saring reaksyon ang selfie post ni Rachel Alejandro habang nasa loob ng eroplano patungong Canada.

Dahill nakasuot ng face mask at mata lang ang nakalitaw, napagkamalan n ga siya na si dating VP Leni Robredo.

Binalita lang naman ni Rachel ang pagbiyahe nya, at ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa mga flight patungo sa nasabing bansa, pati na ang magaganap niyang show roon.

Pero kinagulat ng mga netizen ang post dahil inakala nga nila na si Leni ang nasa larawan. Magkahawig talaga sa mga mata sina Rachel at Leni, maging sa buhok, kaya hindi kataka-taka na mapagkamalan ito na si Leni nga.

Kumbinsido ang mga netizen na magkamukha ang dalawa.

***

Dahlia inaliw mga fan nina Anne, Erwan

Sa gitna ng mga isyu, negative vibes sa social media, nagpasabog naman ng ngiti si Anne Curtis sa Instagram. Ang bida ay ang anak niyang si Dahlia, na nagpakita ng talino sa kanyang murang edad.

Sa video mapapanood si Dahlia na inisa-isa nito ang mga colored marble na nilagay sa kamay ni Anne. Nakakahanga ang na mahusay na agad magbilang.

Hindi lang isang lenguwahe ang kayang bigkasin ni Dahlia sa pagbibilang kundi apat. Pinagsama ni Dahlia ang pagbibilang sa Tagalog, Ilokano, English, French. Ang husay mag-Ilokano at mag-French ni Dahlia, ha!

Aabot pa sana hanggang 20 ang pagbibilang ni Dahlia, pero natigil lang dahil hindi niya kayang saluhin lahat ang mga marble.

Bukod sa pagbibilang tinuturuan din ni Erwan Heussaff ang anak na gumawa ng pancakes at cookies, pati na smoothies, healthy drinks.

Jake feeling barako na

Feeling barako talaga si Jake Zyrus, at mababasa `yon sa article ng GQ Philippines. Binida ni Jake ang naturang magazine at nagpasalamat sa atensyon at espasyong binigay sa kanya para ikuwento ang journey niya bilang transman.

May kaugnayan sa Pride Month ngayong June ng LGBTQIA ang feature kay Jake bilang highly controversial Pinoy celebrity, na dating babae na ngayon ay mukha na ngang lalake sa itsura, pananalita.

Ayon sa mensahe ni Jake, hindi pa tapos ang pakikibaka nilang nasa community. Hanggang ngayon ay pinaglalaban pa rin daw nila ang kalayaan at pagtanggap sa kanila ng society.

***

Sunshine, politiko kasal na lang ang kulang

Mula sa kampanya hanggang oath-taking, todo ang suporta ni Sunshine Cruz, kasama ang mga anak na dalaga, kay San Juan City Councilor Macky Mathay.

Nagbihis pa ng formal sina Sunshine at mga anak para saksihan ang oath-taking ng boyfriend na si Macky.

Para ngang buong pamilya na ang eksena nina Sunshine at Macky. Kulang na lang ay kasal para maselyuhan ang relasyon nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.