Una sa Balita

Rachel at Miss Thailand pukpukan sa Miss Universe

By
0 172

Aligaga na ang mga Pinoy sa buong mundo sa pagsuporta kay Rachel Peters sa paglaban niya ngayong gabi (November 26 sa Las Vegas at November 27 ng uma­ga sa Pilipinas) sa Miss Universe 2017.

Base sa naglalabasang reports sa internet, Number 1 si Rachel sa highest number of Tweet & Retweet Votes. Second ang Miss Thailand, Number 3 ang Miss Indonesia, Number 4 ang Colombia at Number 5 ang France.

Pero, hindi puwedeng sabihin na official na ‘yan, dahil puwede ngang mabago `yan lalo na sa mismong araw ng pageant.

Well, hindi kataka-takang manguna si Rachel sa online voting, dahil halos lahat ng sikat na artista ay tumutulong sa pagboto sa kanya.

At siyempre, may kasamang dasal din ‘yan ng marami na makuha muli ng bansa ang korona sa Miss Universe.

Mabigat ang laban ni Rachel pero miracles do happen, ‘di ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy