Una sa Balita

Rachel luhaan sa Miss Universe

0 340

Hindi pinalad si Miss Universe Philippines Rachel Peters na makasama sa Top 5 candidates pero nakapasok siya sa Top 10 contestants ng 66th Miss Universe.

Kinabahan ang mga supporter ni Rachel nang hindi tawagin ang pangalan niya sa apat na semi-finalists mula sa Africa and Asia Pacific region at nabuhayan sila ng pag-asa nang makasama sa wild card ang official representative ng Pilipinas.

Malaking tulong kay Rachel ang online votes at retweets ng mga Filipino para makasali siya sa Top 16 candidates.

Nang hindi pumasok si Rachel sa Top 5 candidates, nawalan ng gana ang ibang mga Filipino na tapusin ang panonood sa live telecast ng beauty pageant.

 Sa simula pa lang ng 66th Miss Universe sina Rachel, Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters at Miss Thailand Maria Poonlertlarp ang mga nangunguna sa online votes pero sa huli, ang pambato ng Pilipinas ang nalaglag dahil pasok sa Top 5 ang mga kandidata ng South Africa at Thailand.

Malaking sorpresa sa lahat na hindi lumusot sa Top 5 si Miss USA Kara McCullough at marami ang natuwa dahil second runner up si Miss Jamaica Davina Bennett na younger at black version ni Miss Universe 1973 Margie Moran.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy