Una sa Balita

Rachel Anne Daquis super atleta na, negosyante pa!

By
0 842

Itinuturing siyang pinakamabangis na ‘Queen Tamaraw’ na tila kabaligtaran sa kanyang angking kagandahan dahil sa kanyang pagiging ‘beast mode’ sa loob ng playing court.

Gayunman, lubhang napakalayo ng pag-uugali at sadyang kakaiba ang makakakilala sa tunay na si Rachel Ann Daquis kung nasa labas siya ng playing court at walang hawak na bola dahil sa kanyang labis na pagkamababang-loob at pagkamatulungin sa mga kapus-palad at nangangailangan ng tulong.

Patunay dito ang nakatakdang pagbibigay kasiyahan ng athlete-model na Business Management graduate at ilang beses ginawaran na ‘Fresh Face’ ng ilang liga na si Daquis. Makakasala­muha niya ang 30 napabayaang mga kabataan mula sa isang charity institution sa pagbubukas ng kanyang unang gym sa Lake Shore Hall sa Taguig.

“This coming October 28 pa ang launching ng RAD (Rachel Ann Daquis) Fitness Philippines,” sabi ng isa sa mga pinakamagaling na nadebelop na outside spiker sa sports na volleyball sa bansa na si Daquis.

Nasa radar ang kabataan

Sadyang nasa kamalayan na ng balibolista na na­ging pambato ng FEU Lady Tamaraws na si Daquis ang pagtulong sa kapwa partikular na sa mga hikahos na mga kabataan.

“Nais namin bigyang kasiyahan ang mga kabataan sa pagbubukas ng gym na makasama nila ang mga volleyball player,” aniya.

Aminado rin ang tinanghal na 2015 Singapore Southeast Asian Games “Darling of the Crowd and Press,” na lubha niyang nami-miss ang paglalaro para sa national team subalit kinailangan niyang personal na magdesisyon para sa pa­ngarap niyang makumpleto na ang sariling negosyo na makakatulong sa mas nakakaraming indibidwal.

“I live to inspire people,” sabi pa ni Daquis, na isa sa may pinakamakulay na balibolista sa iba’t ibang liga sa bansa at ipinagmamalaki ang kanyang pagtatapos sa bagong kurso na Pilates.

Buong pusong ibinibigay ni Daquis ang kanyang kaastigan at lakas tuwing nasa court kaya marahil napapansin ang matindi nitong paglalaro kada laban.

Gayunman, likas ang pagiging matulungin at magandang pakikisalamuha nito pagkatapos ng laro at kapag nasa labas na ng volleyball court.

Q&A

ABANTE: Nami-miss mo ba ang maglaro sa national team?

DAQUIS: Actually yes. Oo naman. But as of the moment, medyo naging busy ako at tinapos ko pag-aaral ko and then nagsimula ako ng pagtatayo ng sarili kong business.

ABANTE: Marami ang umaasa sa iyong maglaro muli sa national team, makakabalik pa ba si Daquis?

DAQUIS: I will, I really want too. Paano ko ba sasabihin. Ngayon kasi, busy talaga ako, kaya hindi ko makayang makasama sa praktis at ‘di nakakasama sa mga training camp. Siguro soon, or kapag may dumating na opportunity. If the position will be available, I will be fighting for my spot uli.

ABANTE: Ano ba ang pinagkakaabalahan ni RAD?

DAQUIS: As I’ve said to you, I am into business now, nagtayo ako ng business na RAD Fitness Philippines na hindi lamang para sa mga fitness enthusiast kundi nag-cater sa lahat, katulad sa young professionals, sa old and young or senior citizens na hindi mahirap puntahan at hindi masyadong mataas ang presyo? We have programs para sa lahat ng status under the RAD Fitness Club.

ABANTE: Kumusta ang volleyball career?
DAQUIS: Right now, I am very thankful. Nag-third ang Cignal from being seventh place last time. Unti-unti na din kaming nag-iimprove sa aming laro and we are very optimistic na maganda ang aming campaign this season.

CAREER HIGHLIGHTS
Teams
FEU Lady Tamaraws
2004-2009

Philippine Army
Lady Troopers
2011-2016

TMS-Philippine Army
2013

Generika-Army
Lady Troopers
2015

Petron Blaze Spikers
2016

RC Cola-Army Troopers
2016

Cignal HD Spikers
2017

National team
2015–2017
Philippines

Awards
UAAP Season 67
“Best Blocker & Co-Rookie
of the year”

UAAP Season 68-69
“Best Server”

UAAP Season 71
“Best Scorer”

Shakey’s V-League Season 11
First Conference
“Finals Most
Valuable Player”

UAAP Season 70
“Best Spiker”

FEU Home & Away Invitational
“Best Blocker”

2015 SEA GAMES (Singapore)
“Darling of the crowd
and Press.”

2018 Philippine Superliga Invitational Cup
“1st Best Outside Spiker”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy