Una sa Balita

Racasa sasalang sa Eastern Asia Juniors

0 372

MULING sasabak sa malakas na tournament si Pinay woodpusher Antonella Berthe Racasa sa magaganap na Eastern Asia Juniors and Girls Chess Championships Disyembre 9-6 sa Lima Park Hotel sa Malvar, Batangas.

Galing sa impresibong performance ang 12 years old girls U-12 campaigner sa Pattaya Chess Club Open 2019 age group chess championship na ginanap sa Bay Beach Resort sa Pattaya, Thailand nitong nakaraang buwan.

“I hope to do well in the upcoming Eastern Asia Juniors and Girls Chess Championships,” sabi ni Racasa.

Ang kampanya ni Racasa sa International Chess Championship ay suportado ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Councilor Charisse Abalos-Vargas.

Nakalinya rin si Racasa na katawanin ang bansa sa 36th Singapore National Age Group Chess Championships sa Disyembre 27-30 na gaganapin sa 1 Expo Drive, MAX Atria @Singapore Expo sa Singapore. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy