Una sa Balita

Racasa raragasa

By
0 1,363

MARAMING rising star sa chess, isa na rito si Antonella Berthe Racasa.

Nakatakdang salihan ng 2017 Under-10 National Champion at triple gold medalist sa ASEAN International Chess Championships sa Kuantan, Malaysia ang 19th ASEAN Age Group International Chess Championships sa Davao.

Puntirya ni 11-year-old Racasa na masilo ang Woman Fide master title pagsalang niya sa Under-12 na gaganapin sa Hunyo 18- 28 sa Davao City.

“Malayo ang mararating ng batang ito,” patungkol ni 13-time National champion at Philippine Sportswriters Association (PSA) awardee GM Joey Antonio kay Racasa.

Si Racasa na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon ay suportado nina Mandaluyong City Mayor Menchie Aba­los, Councilor Charisse Abalos-Vargas, Rotary Club of Pasig, Apo View Hotel Davao’s COO Louie Peña, Managing­ Director Ed Las, Area Ma­nager Cesar Canabal, Hotel Manager Leah Adolfo at Eurotowers Marketing head Sue Geminiano.

Sa katatapos na 1st Meralco Chess Youth Rapid Chess Tournament na ginanap sa Multi Purpose Hall, Orange­ Fit, Meralco Compound Ortigas ­Avenue, Pasig, sumalo sa four-way tie sa first si Racasa.

Kabilang sa mga naging biktima ni Racasa sa nasabing event na ipinatupad ang seven round Swiss system ay sina Gabriel Hilario, Finalist sa ASEAN Age Group at Marjeri Janapin na kuminang sa Palarong Pambansa.