Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Racasa, iba pa pigaan ng utak

0 165

MAGTATAGISAN ang mga Filipina chess player sa magaganap na P25,000 winner take all Women’s Invitational elimination tournament sa susunod na buwan na lalaruin sa lichess.org.

Naimbitahan na maglaro sa nasabing event sina WIM Jan Jodilyn Fronda, WIM Catherine Perena-Secopito, WIM Bernadette Galas, WIM Kylen Joy Mordido at Philippine Sportswriters Association awardee Antonella Berthe Racasa.

Nakatanggap din ng imbitasyon ang ibang tigasing women woodpusher na sina WFM Cherry Ann Mejia, WFM Allaney Jia Doroy, WNM Jerlyn Mae San Diego, WNM Francois Marie Magpily, WCM Christy Lamiel Bernales, AGM Rowelyn Joy Acedo at AIM Alexandra Sydney Paez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sasampa sa grand finals ang mga mananalo sa elimination round at may pagkakataon na makalaro sa P25,000 winner-take-all online chess tournament.

Tatanggap ang mga invited Female player (12) ng tig-P500 habang ang magkakampeon ay magbubulsa ng P2,000.

May time control three (3) minutes plus two (2) seconds increment na ipapatupad sa elimination round via Swiss System format. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.