Una sa Balita

Racasa bibira sa Sri Lanka

By
0 230

HANDA nang sumulong ng piyesa ang batang Pinay woodpusher na si Antonella Racasa sa Asian Youth Chess Championships 2019 Under-12 Girls na gaganapin sa Kaluthara, Sri Lanka.

Bukod sa titulo, misyon ng 12-anyos Racasa na mapaganda ang kanyang world ranking paglarga ng nasabing event bukas.

Nitong Marso 23, nagkampeon si Racasa sa fifth International School Manila Chess Cup sa International School Manila sa Taguig City.

Nakalikom siya ng six points para pangunahan ang Home School Global Chess Team A sa pagsungkit ng overall team title.

Kasama ni Racasa sa pagbiyahe ang kanyang ama na si Roberto Racasa na isang International Memory Sports champion at dating Polytechnic University of the Philippine chess varsity.

Nakaraang taon ay kuminang din si Racasa sa 19th ASEAN International Age Group Chess Championship sa Davao City.

Nakopo niya ang gold medal sa standard competition.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy