Una sa Balita

Racal pangbeterano ang galawan

0 401

SOPHOMORE pa lang sa PBA si Kevin Racal pero pangbeterano na ang laro nito.

Maangas ang pakita ni Racal, binitbit ang Alaska Aces sa huling minuto ng regulation tungo sa 98-87 panalo kontra Phoenix sa kanilang tune-up game Lunes ng umaga sa Upper Deck Gym sa Pasig.

Ang dating miyembro ng Letran ay nagbuhos ng walo sa kanyang kabuuang siyam na puntos sa fourth quarter kung saan itinala ng Aces ang matinding 15-6 atake upang agawin ang laro mula sa dikit na 75-72 abante tungo sa mas komportableng 90-78 kalamangan sa natitirang 5:52 minuto.

Tumulong din si Vic Manuel para sa Alaska sa game-high 25 puntos, siyam na rebound at tatlong assist. Si Mike DiGregorio ay nagpasok ng 2-of-5 mula sa tres para sa kanyang 13 puntos.

Ang rookie center na si Barkley Ebona ay nagpakita din ng husay sa itinala na walong puntos, limang rebound at dalawang­ assist habang si Abu Tratter at Rodney Brondial ay kapwa may walong puntos.

“It’s nice because you get a feel of the style of Phoenix. We know they’re gonna pressure a lot, their guards are all over the place in trying to make it difficult for you,” sabi ni Alaska coach Jeffrey Cariaso. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More