Una sa Balita

Racal ‘nagpasakal’ na

0 425

HABANG lalong umiinit ang best-of-seven PBA Gover­nors Cup Finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco, tahimik namang nakipag-isang dibdib si Alaska player Kevin Racal sa kanyang long-time girlfriend.

Makikita sa Instagram post ng 6-foot-3 guard na kinasal sila ng kanyang kasintahan na si Sarah Ramirez sa huwes o sa isang civil wedding sa City Hall ng Lungsod ng Muntinlupa.

“Nothing fancy just LOVE. 01-10-2020,” sey ni Kevin (@kevinkentracal).
Marami naman sa mga fan ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa former Letran Knight.

Kamakailan ay nag-renew si Kevin ng two-year contract sa Alaska kasama ang rookie na si Jaycee Marcelino nitong Disyembre 2019 upang maisakatuparan ang rebuilding ng koponan sa pangunguna ng kanilang head coach na si Jeff Cariaso. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More