Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rabiya puring-puri ng mga Pinoy sa Tate

0 230

Mukhang magtatagal pa sa California si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

May isang friend ako na taga-San Jose na nagpadala sa akin ng poster ng World Gourmet Buffet Restaurant event on June 5 sa Fremont kung saan darating ang beauty queen.

Ang nakalagay sa poster, “An Evening with Miss Universe Philippines Rabiya Mateo”.

Pero heto na, Dondon (my dear editor), tiyak na maraming mga Pinoy ang pupunta roon para magmatyag dahil guest din doon si Andre Brouillette, ang PBB alumnus na nali-link ngayon kay Rabiya.

Kahit nag-post pa si Rabiya sa kanyang Instagram story ng mga hashtag na #Friends #Workmates #NoMalice #ImNotAvailable, marami pa rin ang naiintriga sa kanila ni Andre, huh!

For sure, sa June 5, tiyak na lahat ng kilos nina Rabiya at Andre ay “babantayan” ng mga Pinoy na pupunta roon.

Teka! Puntahan ko rin kaya ang event na ‘yon para makitsismis?

Hehehe!

Anyway, kahit top 21 lang si Rabiya sa Miss Universe 2020, aba, love pa rin siya ng mga Pinoy sa California.

Sa cocktail event for her sa Granada Hills nga, pinagkaguluhan siya ng mga Pinoy, huh!

Sa private event naman sa Yamashiro Japanese restaurant naman sa Hollywood Hills ni Jonas Gapud, puring-puri si Rabiya ng mga kaibigan namin na nakipagtsikahan at picture sa beauty dahil ma-PR daw ang beauty queen, huh!

Ang bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.