Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rabiya inirampa mga yaring Pinoy sa US

0 93

Patuloy ang pambubulabog ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang fashion statements habang pabiyahe ito to Miami, Florida para sa Miss Universe 2020 pageant.

Sa latest na outfit ni Rabiya, suot niya ang isang modern terno-inspired suit with “pearls and seashells trimmings.” Gawa ito ng Pampanga-based fashion designer Marlon Tuazon and styled by Rain Dagala and Em Millan.

Ang mga dalang outfit ni Rabiya ay mga gawa ng mga Filipino designer. Paraan ito ni Rabiya para ma-promote ang fashion culture ng Pilipinas at kung gaano kahuhusay ang mga Pinoy designer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Noong umalis siya ng Pilipinas, suot niya ay modern Barong Tagalog-inspired ensemble made by Bacolod City-based fashion designer Chino Christopherson and Quezon City-based couturier Marc Rancy.

Pagdating ni Rabiya sa Los Angeles, nagpalit ito ito ng printed blazer dress made by Iloilo City-based fashion designer Nono Palmos.

Kasama ni Rabiya bumiyahe ang creative director ng Miss Universe Philippines na si Jonas Gaffud. Sabi ni Jonas napaaga raw ang biyahe nila para walang maging problema sa pag-book ng flight at makapag-quarantine bago dumiretso sa Miss Universe hotel in Miami. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.