Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rabiya, Andrea, Nadine tutulong kay Lolo Narding

0 480

Naapektuhan si Rabiya Mateo sa 80 year old na inaresto dahil sa diumano ay pagnanakaw ng 10 kilong manga sa Asingan, Pangasinan.

Katulad ng karamihan ng netizens na nakabasa ng pangyayaring ito na ang simpatiya ay nasa 80 year old na Lolo Narding.

Sa Instagram story ni Rabiya, ni-repost nito ang news at may caption siya na, “Can someone bring me to Lolo? Finding ways to contact him.”

Wala namang sinabi si Rabiya kung bakit gusto niya itong puntahan. Kung pipiyensahan ba niya or anong support ang gagawin niya.

Payo naman ng ilang netizens kay Rabiya, pwede raw nitong kontakin ang presinto na `yon ng Asingan.

Nanawagan din ng tulong sina Andrea Brillantes, Nadine Lustre.

“Grabe naman. Bakit ganiyan? Tulungan natin si Lolo Narding,” hirit ni Andrea.

Pinost naman ni Nadine sa IG story niya ang tungkol kay Lolo Narding.

Heart ipit sa politika

Ilang beses na spotted si Heart Evangelista na nakasuot ng pink o medyo highlight ang pink items sa mga OOTD niya or branded na gamit niya.

Pero it was only last Wednesday na tila indirect announcement niya kung ano ang political color niya.

Given naman kasi na associated kay Vice President Leni Robredo ang kulay pink. At sa OOTD ni Heart noong Miyerkules, kunsaan, meron talagang tinatawag na “Kakampink Wednesday” kunsaan, nagsusuot ng kulay pink ang mga pro-Leni, naglabas si Heart ng kanyag OOTD video na naka-pink siya.

“On Wednesdays we wear pink,” sabi niya.

Sa ginawang ito ni Heart, umani siya ng mga bagong follower. Nababasa namin sa mga nagko-comment sa ilang Facebook group na, “Ang cute ni Heart, kakampinks.”

Pero siyempre, kung may mga bagong follower si Heart, meron din naman na nagsasabing mag-a-unfollow na sila dahil hindi naman sila agree na kakampink ang Misis ni Gov. Chiz Escudero.

Iya todo work out kahit preggy

Puro mga “How to be you po?” ang tila hindi makapaniwalang comment ng mga netizen kay Iya Villania.

Hindi naman kasi itinago ng mag-asawang Iya at Drew Arellano ang kanilang naging Covid journey, including their three kids sa social media, kaya nasubaybayan ito ng mga followers nila.

Pero marami ang na-inspire at humanga lalo na kay Iya kung paano niya tila cool na cool lang na na-handle ang naging situwasyon nila, bukod pa sa nangyari ito habang buntis siya.

At ang post niya kunsaan, ipinakita niya ang video na nagwo-work-out siya. Kung hindi lang halata na ang tiyan ni Iya, parang magdududa ka na buntis ito. Very fit and sexy pa rin kahit na tatlo na ang babies at kasalukuyang buntis at kagagaling pa sa COVID.

Kaya kahit ang mga celebrity gaya nina Isabelle Daza, Camille Prats, humanga sa kanya.

Pero may mga nagwo-worry rin for Iya at nagtatanong kung okay lang daw ba ang ginagawa nitong work-out kahit na preggy siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.