Una sa Balita

RA 9255

By
0 1,295

Dear Atty. Claire,

Hi Attorney! Good morning. I just wanted to ask lang po sana about our surname. I am using Manalo po ever since sa lahat ng ­documents ko and then nu’ng lumabas po ‘yung NSO namin ang surname po pala na nakalagay is my mo­ther’s surname which is Pxxxxxx.

My chance pa po ba na maiayos po namin ‘yun samantalang patay na po pala ‘yung tatay ko? Tapos kasal pa po siya sa unang asawa niya and then pinakasalan din po niya ‘yung mother ko. May chance pa po ba na maging Manalo kami sa birth certificate?

Thank you po.

– Pilar

Dear Ms. Pilar,

Ayon sa kuwento mo ay isa kang illegitimate child at ayon sa Art. 176 ng ating Family Code ay ang surname o apelyido ng nanay ang siyang gagamitin ng isang illegitimate child. Ngunit dahil sa may bagong batas na ipinatutupad sa ngayon at ito ay ang RA 9255 ay maaaring magamit ng isang illegitimate child ang surname ng kanyang ama kung siya ay kinilala nito bilang anak.

Ito ang isinasaad ng RA 9255:

Rule 8. Effects of Recog­nition
8.1 As a rule, an illegitimate child not acknowledged by the father shall use the surname of the mother.

8.2 Illegitimate child acknowledged by the father shall use the surname of the mother if no AUSF is executed.

8.3 An illegitimate child aged 0-6 years old acknowledged by the father shall use the surname of the father, if the mother or the guardian, in the absence of the mother, executes the AUSF.

8.4 An illegitimate child aged 7 to 17 years old acknowledged by the father shall use the surname of the father if the child executes an AUSF fully aware of its consequence as attested by the mother or guardian.

8.5 Upon reaching the age of majority, an illegitimate child acknow­ledged by the father shall use the surname of his father provided that he executes an AUSF without need of any ­attestation.

Kung kinilala ka ng iyong ama nang siya ay nabubuhay ay mabibigyan ka ng pagkakataon na magamit ang surname ng iyong ama.

Kung wala siyang ginawang Affidavit to Use the Surname of the Father pero may mag-private handwritten instrument o mga sulat at ibang dokumento na kinilala ka niya tulad ng kanyang pagpirma sa iyong school cards, baptismal certificate, mga pribadong sulat na kinikilala ka niyang anak.

Pumunta ka sa Local Civil Registrar’s Office at makipag-ugnayan sa kanila na nais mong maipatala o mapa-­annotate sa iyong birth certificate ang nais na paggamit ng apelyido ng iyong ama at susuriin nila kung ikaw ay qualified upang magamit ang benepisyo ng RA 9255 o kung kakailanganing magsampa ng Petition sa korte.

Malalaman ng Local Civil Registrar kung saan nakatala ang birth record mo kung ang pagsasampa mo ng Application to Use the Surname of the Father ay within the period specified o kung hindi na covered pa ang iyong sitwasyon.

Dalhin mo ang birth certificate mo upang malaman nila kung pasok ka pa sa cut-off na kanila ngayong ipinatutupad.