Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

R. Kelly hinatulan ng 30 taon kulong

0 122

Nasentensyahan ng 30 years in federal prison ang R&B singer na si R. Kelly dahil sa 9 federal charges, including sex crimes and human trafficking.

The 55-year-old disgraced singer ay nahatulan sa Brooklyn Federal Court by Judge Ann M. Donnelly na siyang nagtuldok sa higit na isang dekadang pang-aabuso sa maraming babae. Ito nga raw ang highest-profile criminal prosecutions sa nagdaang mga taon.

Inakala ng singer na 10 years lang ang magiging sentensya niya, pero base sa kanyang mga criminal records, tama lang daw na pagdusahan niya sa piitan ang 30 years na sentensya.

Ayon kay Judge Donnelly: “The public has to be protected from behaviors like this.”

“I’m grateful that Robert Sylvester Kelly is away and will stay away and will not be able to harm anyone else,” ayon naman sa biktima na si Lizzette Martinez.

Hiniling ng lawyers ni Kelly na 17 years lang ang isentensya sa singer, pero pinagdiinan ng korte na isang halimaw si Kelly na pati ang mga teenagers ay naging biktima ng pang-aabuso niya.

Mahigit 11 victims ang nag-testify sa “horrific and sadistic abuse they endured” sa mga kamay ng singer. Kabilang na rito ang rape, druggings, imprisonment and child pornography.

Hindi pa raw tapos ang ilang kaso ni Kelly. Nahaharap pa siya sa ilang federal cases sa state of Illinois at may state trial pa siya sa Minnesota.

Isa sa sumikat na R&B singers noong ’90s si R. Kelly. Naging hit ang single niyang “I Believe I Can Fly” at nanalo ito ng tatlong Grammy Awards in 1998. Umabot sa 40 million ang worldwide sale ng kanyang albums. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.