Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

R.A. 11229 nilabag: Paolo Contis binantaang kakasuhan

0 328

Binalaan ng mga netizen si Paolo Contis dahil sa pinost nito sa Instagram kung saan naka-seatbelt ang kanyang 2-year old daughter na si Summer.

Yung strap ng seatbelt ay umabot sa noo ng bata.

Ginagawa raw kasing joke ni Paolo ang safety ng mga bata.

Heto ang pinost ni Paolo na may disclaimer:

“PAALALA: Laging magsuot ng seatbelt! Tingnan niyo naman si Summer… safe na safe!”

But knowing the comedian who regularly posts comic relief on social media, the uploaded photo was nothing but a joke that’s why he also wrote a disclaimer.

“Disclaimer: Joke po ito! Kaya kung sinong may plano na magmarunong sa comments, huwag mo nang ituloy!”

Hindi natuwa ang ilang netizens sa post na ito ni Paolo dahil puwede raw siyang panagutin dahil sa paglabag nito sa The Republic Act 11229 or “Child Safety in Motor Vehicles Act.”

Hindi raw dapat dinadamay ni Paolo ang kanyang anak sa kanyang mga biro, lalo na kung safety sa loob ng sasakyan ang pinag-uusapan. Kaya dapat daw ay may alam ang aktor tungkol sa R.A. 11229.

Ang naturang R.A. ay pinagbabawal na umupo sa front seat ang mga batang 12-years old and below. Sa edad ng anak ni Paolo na si Summer, dapat ay nasa backseat ito at ginagamitan ng Child Restraint System (CSR) tulad ng child seats, vest, and cover straps to prevent traffic-related injuries and deaths. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.