Una sa Balita

Quizon kampeon sa Youth U16 Chess

0 227

PORMAL nang sinilo ni Pinoy IM Daniel Quizon ang titulo sa 4th Eastern Asia Youth Chess Championship Under-16 na ginaganap sa Asia Hotel sa Bangkok, Thailand matapos nitong pagulungin si CM Cyrus Nisban ng Singapore sa ninth at last round kahapon.

Paniguradong kampeon na si Quizon, 15, bago magsimula sa laban pero itinodo pa rin nito ang kanyang lakas upang ilista ang 8.5 points sa event na ipinatupad ang nine rounds Swiss System format.

Pinakyaw ng Pinoy woodpushers ang top 3 finishers matapos lumanding sa second­ at third sina Michael Concio, Jr. at FM Alekhine­ Nouri.

Pinayuko ni Concio si FM Tobing Daniel Hermawan Kumban ng Indonesia habang nakipaghatian ng puntos si Nouri kay Eshwant Singh ng Malaysia upang ilista ang 7.5 at 7.0, puntos ayon sa pagkakasunod.

Mga Pinoy chessers din ang pumuwesto sa fourth hanggang fifth place, nilampaso ni Jerome Angelo Aragones si Chotichanathawewong Sanquan ng Thailand habang nakipaghatian ng puntos si Clyde Harris Saraos kay Yifan Zhang ng China.

Lumikom sina Aragones (4th) at Saraos (5th) ng-tig 5.5 points. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy