Una sa Balita

Quizon, iba pa sasagupa sa Boyi Cup Youth Open

0 225

SASALANG ang pambatong woodpushers ng Pilipinas sa nalalapit na 3rd Boyi Cup China Youth International Open chess tournament na gaganapin sa Novotel, Harbin, China sa Enero 19-24.

Ang mga miyembro ng Philippine team na magtutu­ngo sa China ay sina 13-year-old International Master Daniel Quizon, Woman International Master Kylene Joy Mordido, Jerlyn Me San Diego at Michael Concio Jr.

Ipapadala naman ng University of Perpetual Help System Dalta Las Piñas campus ang kanilang top bet na si Jerome Angelo Aragones.

“We’re looking at a top finish or hopefully better,” sabi ni National Coach International Master Roel Abelgas.

Nakaraang taon, nagtala si Quizon ng 7.5 sa nine rounds upang sikwatin ang second place, nakalikom si grandmaster Bai Jinshi ng China ng 8.5, sapat upang hablutin ang titulo sa China Youth Chess International Tournament. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy