Una sa Balita

Quizon, Elorta pambato sa 30th SEA Games

0 247

IBABANDERA ng Philippine Chess Team sina IM Daniel Quizon at FM David Elorta sa 30th Southeast Asian Games blitz event na susulong November 30 hanggang December 11.

Pakay nina 15-year-old Quizon at veteran Elorta na ibalik ang dating kinang ng Pilipinas sa blitz, huling nagkampeon si GM Wesley So may walong taon na ang nakaraan.

Punong-abala sa biennial meet ang Pilipinas, ikakasa ang nasabing chess event sa Subic.

Sina Quizon at Elorta ang kinikilalang hari sa blitz sa bansa, nagsisipagpanalo sila sa mga tournament dito sa Pilipinas.

Sisikapin nina Quizon at Elorta na ipagpatuloy ang kanilang pamamayagpag sa malaking tournament, kabilang sila sa 10-player team na isinali ng National Chess Federation of the Philippines para ilaban sa mga tigasing bansa sa Asia kasama ang Vietnam na ipinagmamalaki si former world blitz champion Le Quang Liem. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy