Una sa Balita

Quitoy nagtala ng bagong marka

By
0 402

Ilagan, Isabela — Tinabunan ni Ann Kathe­rine Quitoy mula sa Bacolod City, Negros Occidental ang 21-taong dating national record sa girls javelin throw Huwebes ng gabi habang kinolekta ni Charmaine De Ocampo ng Dasmariñas City ang apat na gintong medalya upang pangunahan ang mga itinanghal na mutli-medalists sa ginaganap dito na 2019 Ayala Philippine Athletics Championships sa City of Ilagan Sports Complex.

Inihagis ng 18-anyos na si Quitoy ang spear sa layong 44.71 metro sa ikatlong tangka upang itala ang ikalawang record na nabura sa torneo na nagsisilbing qualifying para sa lahat ng mga atleta na nagnanais na makalahok sa ikaapat na pagho-host ng Pilipinas sa kada dalawang taong torneo na Southeast Asian Games.

Binura ni Quitoy, na nagtala din ng mga bagong record sa Palarong Pambansa at ASEAN School Games, ang record na itinala ng ngayon ay kasalukuyang throwing coach na si Rosie Villarito na 44.54 metro noong Hunyo 8, 1998.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy