Una sa Balita

Quinto, Letran nangharabas kontra Mapua

‘MR. TRIPLE DOUBLE!’

By
0 50

ITINARAK ni Bong Quinto ang pangatlong triple-double ngayong 94th NCAA basketball tournament upang akbayan ang letran sa 84-69 panalo laban sa Mapua University kahapon sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Kumayod si team captain Quinto ng 11 points, 14 rebounds at 11 assists upang tulungan ang Knights na tuhugin ang 8-4 karta at palakasin ang kapit sa third spot ng team standings.

“This is a good win for us coming off a bad game against San Beda. At least,” saad ni Letran head coach Jeff Napa.

Abante ng apat na puntos ang Cardinals sa kaagahan ng second canto, subalit pinangunahan ni Quinto ang 26-3 run upang maagaw ng Knights ang bandera, 45-26, malapit ng mag-halftime break.

Nirehistro ni JP Calvo ang career-high 26 markers para sa Intramuros-based squad Letran habang bumakas sina Christian Fajarito at Larry Muyang ng tig 12 at 11 pts ayon sa pagkakasunod.

Nasa pang-apat ang College of Saint Benilde kapit hawak ang 7-5 card kaya para kay Napa hindi sila puwede mag-relax sa natitira nilang laban.

“Hindi pa rin puwede mag-relax kasi we need to lock down the number three.

Kailangan, trabahuin pa rin namin mga remaining games namin,” ani Napa.

Nagtala si Arvin Gamboa ng 17 puntos, pitong rebounds at dalawang assists para sa Cardinals na may 4-9 record.