Una sa Balita

Quinto, Calvo pumiglas, No. 3 kinahon ng Letran

GUMANTI!

By
0 95

Mga laro sa Martes:
(FilOil Flying V Center)
2:00 p.m. – CSB vs JRU
4:00 p.m. – Arellano U vs Mapua

TATLONG Letran Knights cagers ang sinan­dalan ni coach Jeff Napa upang bawian ang Perpetual Help Altas matapos ilista ang mahirap na 82-80 panalo kahapon sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan City.

Pinamunuan ni vete­ran Bong Quinto ang opensa para sa Knights, tumuhog ng 22 points, siyam na rebounds, limang assists at dalawang steals habang sina JP Calvo at Christian Fajarito ang nagdala sa depensa.

Abante Hiring – IT dep

Abante ng isang puntos ang Altas wala ng isang minuto sa bakbakan, naagaw ni Calvo ang bola kay Kyt Jimenez dahilan ng pagkakapanalo ng Intramuros-based squad Letran.

Sementado ng Knights ang tersero puwesto ng team stan­dings, kapit ang 13-4 card.

“Nag-perform na naman ‘yung leaders namin. ‘Yung leadership nila, nadadala nila,” patungkol ni head coach Jeff Napa sa tatlo.

Pagkakuha ni Calvo, mabilis nitong ibinato kay Quinto para isalpak ang dalawang puntos at maagaw ang bentahe.
Isang matinding depensa ang ipinakita ni Fajarito, pinahirapan nito ang higante ng Perpetual Help na si Prince Eze para kapusin ang tira nito.

Tumikada si Calvo ng 17 markers, pitong assists at limang boards habang anim na puntos ang inambag ni Fajarito.
Lumuhod ang Knights sa Altas sa first round ng eliminations.

“Sabi ko nga, ‘yung mga tumalo sa amin, babawian namin,” ani Quinto.
Mga iskor:

LETRAN, 82 – Quinto 22, Calvo 17, Muyang 11, Ambohot 8, Batiller 8, Fajarito 6, Galvelo 3, Celis 3, Taladua 2, Balagasay 2, Yu 0, Mandreza 0.
PERPETUAL, 80 – Peralta 17, Charcos 16, Eze 14, Jimenez 13, Razon 9, Coronel 8, Mangalino 3, Aurin 0, Cuevas 0.
Quarterscores: 23-18; 43-44; 63-63; 82-80