Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Quinahan, Jericho babakuran ng NLEX

0 222

Tatapusin muna ng NLEX ang kasalukuyang PBA Governors Cup bago upuan ang negosasyon sa players na mapapasuhan na ng kontrata.

“Marami-rami rin, mga walo yata ‘yun,” ani coach Yeng Guiao sa expirees ng Road Warriors.

December ay natapos na ang kontrata nina Jericho Cruz at veteran big JR Quinahan.

Binigyan ng management ang dalawa ng two-month extension matapos mapigil na naman ang torneo mula Jan. 5 dahil sa sirit ng COVID-19 infections.

Sa February ang posibleng pinakamaagang balik ng mga laro.

“In anticipation of that, nag-extend na kami ng contracts ng mga expirees namin ng I think two months,” dagdag ni Guiao, ang general manager din ng Road Warriors. “Matapos muna conference na ‘to.”

Ibig sabihin ay hanggang matapos na ang season sa NLEX sina Quinahan at Cruz.

“After this conference we will negotiate. So we can also factor in itong conference na ito as basis for negotiations, ‘yung performance nila,” paliwanag ng coach.

Kasama si Cruz sa 2014 class ng rookies, ang batch na unang hagip ng Ely Capacio rule. Base rito, unrestricted free agent na ang isang player kapag naka-pitong taon na sa liga at puwede nang mamili ng kahit aling team na gusto niya. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.