Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Quiboloy isusuko ni Duterte sa US

0 191

Susunod si Pangulong Rodrigo Duterte sa batas sakaling hilingin ng Estados Unidos na ma-extradite si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy para harapin ang kasong isinampa laban sa kanya sa Amerika.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na abogado ang pangulo kaya alam nito kung ano ang dapat gawin.

“The president will execute the laws accordingly. Si Pangulo is a lawyer and a former prosecutor at that and now he is our chief executive of the entire country so he will execute the laws accordingly,” ani Nograles.

Si Pastor Quiboloy ay matalik na kaibigan ni Pangulong Duterte at siya rin ang nagsisilbing spiritual adviser nito.

Nahaharap sa umano’y kasong sex trafficking si Quiboloy sa Amerika. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.