Una sa Balita

Quiboloy ininguso ng kapanalig sa Hawaii ng cash smuggling

0 369

INAKUSAHAN ng dating follower sa Hawaii si Kingdom of Jesus Christ Church leader Apollo Quiboloy ng cash smuggling.

Sa ulat ng HawaiiNewsNow.com ayon sa fede­ral prosecutor nakita ni Kristina Angeles, dating kapanalig sa relihiyon si Quiboloy at Felina Salinas, manager sa Hawaii ng grupo na inutusan umano ang mga kasamahang magpuslit ng dolyares mula California patungo ng Pilipinas sa magkahiwalay na pagkakataon noong 2013 at 2014.

Matatandaang si Salinas ay kinasuhan noong nakaraang taon ng tangkang pag-i-smuggle ng mahigit $300,000 cash mula Hawaii pabalik ng Pilipinas habang sakay ng private jet ni Quiboloy.

Pero ayon sa abogado ni Salinas na si Michael Green, magulo ang mga alegasyon ni Angeles kung magkano ang na-smuggle na halaga ng mga opisyal ng Kingdom of Jesus Christ.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy