Una sa Balita

Quezon Pulis E-Connect sa Google Play

By
0 849

DAHIL sa paglaganap ng bagong teknolohiya sa telekomunikasyon, internet at sa mga social media, hindi nagpahuli sa uso ang Philippine National Police (PNP)-Quezon.

Kahapon ay sinimulan na ng Quezon police ang kanilang bagong pamamaraan sa pakiki­pagkomikasyon sa publiko, sa pamamagitan ng kanilang inilunsad na mga cellphone at computer app na Quezon Pulis E-Connect.

Ayon kay S/Supt. Osmundo De Guzman, Provincial Director, ginawa nila ito upang mapabilis ang pakikipag-ugnayan sa publiko lalo na sa mga emergency na pangyayari at kinakailangang matawagan agad ang kapulisan.

Ang Quezon Pulis E-Connect app na mada-download sa Android Play Store ay naglalaman ng mga contact number ng mga pangunahing telephone at mga cellphone number ng mga departamento ng Quezon Police Provincial Office at maging ang numero ng lahat ng presinto sa 39 na bayan at dalawang lungsod ng lalawigan ng Quezon na puwedeng tawagan o itext.

Kasama din dito ang mga numero ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Layunin din nito na mapataaas ang crime solution efficiency at ma-monitor ang mga hindi tamang gawi ng mga miyembro ng PNP sa pamamgitan ng pagsusumbong ng mga mamamayan.

Ito ang kauna-unahang police app na ini­lunsad ng lokal na tanggapan ng pulisya.

Naging positibo naman ang pagtanggap nito ng mga netizen na anila ay malaking tulong sa kanilang biglaang pangangailangan.