Una sa Balita

Quezon province nilindol

0 515

NIYANIG ng magnitude 3.0 na lindol sa karagatang sakop ng Quezon province kahapon nang madaling-araw.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang episentro ng lindol na may layong 74 kilometro sa hilaga-silangang bahagi ng bayan ng Jomalig bandang alas-4:51 nang madaling-araw noong Sabado.

Mababaw ang lindol na lalim lamang na isang kilometro at tectonic ang dahilan nito na hindi naman nagdulot ng mga aftershock.

Samantala, yumanig muli ng magnitude 3.4 sa bahagi ng Davao Oriental kahapon ng alas-12:12 nang hatinggabi.

Ang episentro nito ay sa layong 224 kilometro timog-silangan ng Governor Generoso na may lalim na 125 kilometro at tectonic ang dahilan.

Wala namang inaasahang mga aftershock at walang naging pinsala sa mga ari-arian. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More