Una sa Balita

Quezon ex-mayor kalaboso sa estafa

By
0 1,358

KULONG ng isa hanggang dalawampung buwan ang naging hatol ng Sandiganbayan laban kay dating Sampaloc, Quezon Mayor Samson Delgado kaugnay sa P250,000 utang o loan sa isang lending company.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 2nd Division, napatunayang guilty si Delgado sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.

Kinasuhan si Delgado ng Office of the Ombudsman kaugnay sa pagtanggap umano nito ng P250,000 mula sa Seaway Lending Corporation noong 1998 na binigyan ng awtorisasyon ng municipal council.

Ang naturang loan ay dapat sana gamitin para sa housing project ngunit ito’y na-convert sa kanyang personal use at benefit, na malaking pinsala at kawalan sa munisipyo ng halagang P250,000.

Sa paglilitis ay nakita sa ebidensiyang hinarap ng mga prosecutor na si Delgado ang siyang tumanggap ng proceeds o kita ng loan at nabigo itong turn over ang tseke sa municipal treasury.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy