Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Quezon City kulelat sa COVID war

0 566

Binawi ng Department of Health (DOH) ang naging una nilang pahayag na apat na siyudad sa Metro Manila ang naklasipikang “emerging hotspots” sa COVID-19.

Una nang inanunsiyo ng DOH na ang Marikina, Muntinlupa, Makati, at Quezon City ang may mataas na kaso ng COVID19.

Ayon sa DOH nagkamali umano ang DOH nang maklasipika ang mga siyudad bilang hotspots kung saan ay naibase umano ang report noong nakalipas na buwan.

Humingi ng paumanhin ang DOH dahil sa confusion at ipinangako na magpapalabas ng mas update na records sa COVID19.

Napag-alaman pa sa DOH na nitong Hulyo 5 ay tatlo sa apat na siyudad ang nagpakita ng pagbaba sa kaso ng COVID kabilang ang Marikina, 68%; Muntinlupa , 10% at Makati 4% pero masusing minomonitor ang Quezon City na mayroon 34% case growth.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.