Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Queen CEO Anna Magkawas ‘Reyna ng influencer’ rin

0 103

Hindi na lingid sa kaalaman ng mga netizens at ng mga chismosa nating kapitbahay na isa sa mga successful entrepreneur ngayon ay ang Queen CEO na si Anna Magkawas. Pero hindi lang sa larangan ng pagnenegosyo tagumpay si Anna dahil isa rin siyang Queen influencer.

Sa episode ng Aba Trending sa Abante Radyo Tabloidista nitong Linggo naging espesyal na panauhin natin si Anna at dito nga niya naihayag ang kanyang mga pinagdaanan noong mga panahong siya ay nagsisimula pa lamang.

Taong 2015 nagtayo si Anna ng negosyo online na tinawag niyang Lux Online Ph, pero alam niyo ba na ang kauna-unahang showroom para sa kanyang luxury bag business ay sa garahe lang ng kanilang bahay at dahil sa kanyang pagsusumikap unti-unting nakapagbukas si Anna ng kanyang official store sa isang sikat na mall sa Taguig na ngayon ay may 3 branch na.

Dahil na rin sa online nagsimula si Anna marami siyang struggle na pinagdaanan andyan ‘yung na scam siya ng ilang bogus na customer at dumating rin sa puntong nawala ang kanyang social media platform na aniya ay iniyakan pa niya. Hindi lang yan dahil minsan din siyang nanakawan ng mamahaling bag sa mismong tindahan niya.

Bukod sa pagiging isang Queen CEO, Queen influencer na rin si Anna dahil bago pa man sumikat ang ilang kilalang online seller gaya ni Madam Inutz nauna na sa limelight si Queen CEO Anna Magkawas.

Winner na sa business, winner pa sa puso ng mga netizens dahil isa na rin si Anna ngayon sa pinagkakatiwalaang social media influencer dahil halos lahat ng irekomenda niya ay kinakagat ng madla.

3 taon pa lamang sa industriya ng social media si Anna pero sa 3 taon na ‘yun ay na-established niya ng maayos ang kanyang pangalan. Ngayon nga ay sikat na sikat na si Anna hindi lang sa kanyang online business maging sa YouTube at Tiktok ay marami rin ang sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

Samantala sa huling bahagi naman ng aking panayam kay Anna naitanong ko sa kanya kung gaano na ba siya kayaman ngayon at narito ang kanyang pahayag:

“Ayy! nagulat naman ako actually wala pa po ako sa ganung level hindi rin kasi biro ang magpatayo kaya kita niyo naman halos araw-araw nagla-live selling ako, siguro masasabi ko lang kaya ko ng buhayin ang mga anak ko mapag-aral, mapagtapos hanggang college kasi inuna ko yung mga investment sa mga bata, inuna ko yung insurance para if something happen ‘wag naman sana ‘yun talaga inuna ko ‘yung mga bata.” Masayang pagtatapos niya sa ang aming tsikahan.

Sa ngayon hindi lang sa Lux Online Ph abala si Anna dahil meron din siyang bagong baby ito ang Lux Skin at ang Lux Slim ano-ano pa nga bang business venture ang papasukin ni Queen CEO well.. Abangan nalang natin lahat ng yan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.