Una sa Balita

Que sumegunda sa Macau

By
0 11

Maski sumala sa korona, nagiyahan ni Angelo Que ang tatlo sa apat na Filipino pro golfers na kumita ng $68,375 tapos ng apat na araw na kampan­ya sa rolyo kahapon ng US$.5 million 19th Macau Open 2017 sa Macau Golf and Country Club sa Coloane, Macau.

Pumalo ng bogey-free final round si Que, pero may karampot lang na dalawang birdies tungo sa two-under-par 69 at four-day aggregate 10-under 274.

Nakisawsaw siya sa tablahan sa segunda kay Ajeetesh Sandhu ng India (70) para sa parehas na $43,250 prizes (P2.2M).

Abante Hiring – IT dep

Kinapos ng three strokes ang Pinoy golfer sa nag-champion na si Indian Gaghanjeet Bhullar na may 271 total tapos ng pinaleng 68. Nag-uwi siya ng $90,000 top purse.

Lumagay sa 2-way tie for 7th si 2012 Rio de Janeiro Olympian Miguel Luis Tabuena (70) kabuhulan si Venezuelan Wolmer Murillo (75) sa 278 na may kalakip na $13,250 each, nasa quadruple-tie sa 54th na may $1,857 bawat isa si Antonio Lascuna (74-291).

Nasa six-way tie sa 95th place si Michael Bibat (148) at out sa premyo, kinapos ng tatlong palo sa cut-off scores sa halfway mark.