Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Que pang-43, P168K kinita

0 35

DINUPLIKA ni Angelo Que ang iniskor sa second round na one-under par 71 para sa two-under par 284 total at malagak sa four-way tie para sa 43rd place sa wakas ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 20th leg ¥100M (P45M) 47th Ana Open Golf Tournament sa Sapporo Golf Club Wattsu Course sa Kitahiroshima City, Hokkaido Linggo ng hapon.

Iwan ang 42-year-old Pinoy shotmaker ng 14-stroke sa nagkampeong si Scott Vincent ng Zimbabwe (66-270) na nagpako ng tatlong palong tagumpay laban kay local bet Tomoharu Otsuki. Sosyo tersero sina Japanese Mikumu Hurikawa (69) at Ryosuke Kinoshita (70) na may tig-274.

Related Posts

Ang isa pang pambatro ng ‘Pinas na si Fil-Am Justin delos Santos nangapa sa six-over par 78 pa-286 na tama para sa pang-54 na posisyon na may kalakip na ¥248K o P113K. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.