Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Quarantine pass bubuhayin

0 525

Irerekomenda ni Presidential Spokesman Harry Roque ang paggamit ng quarantine pass sa Metro Manila na dating ipinairal noong nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) noong Hunyo 1.

Ito ayon kay Roque ay para malimitahan ang galaw ng mga tao sa kalsada at mapuwersahang manatili sa mga bahay.

“Yan ang mumungkahi ko mamaya sa meeting ng (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases). Dahil yung aking isang kasama sa trabaho na panandaliang nasa probinsya, isang obserbasyon nga niya, sa probinsya, maski (modified general community quarantine) na, hinahanapan pa rin ng quarantine passes para ma-discourage ang paglabas ng mga tao,” ani Roque.

“Siguro, isa sa mumungkahi ko mamaya na dahil GCQ naman tayo, kinakailangan pa rin na sitahin at hanapan ang mga tao ng kanilang mga quarantine passes para mabawasan pa rin yung mga lumalabas without having to lockdown the economy again,”dagdag ng Presidential spokesma.

Nauna nang sinabi ni Roque ang posibilidad na isailaim ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa patuloy na paglobo ng coronavirus disease sa National Capital Region (NCR). (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.